Sabay sa buhos ng ulan

Sabay…

Sabay tayong mag tampisaw sa ulan.
Sabay nating alalahanin ang masasayang yugto ng ating kabataan.
Sabay tayong lumusong sa ‘di kalinisang tubig, sa bahang dulot nang walang humpay na pagbuhos ng ulan.
Sabay nating hahayaang paliguan ang ating musmos pang katawan, ng mga patak ng luha ng langit habang nagbubunyi tayong sabay sa kalagitnaan ng walang hangang kasiyahang dulot ng ulan.

Sa gitna ng unos ay may pagasa…
Ikaw, ikaw na humaplos sa pusog sugatan.
Ikaw na nakabatid nang mga matang luhahaan, nagkukubli sa masaganang pagtangis ng langit…
Ikaw ang aking tagapagligtas…ang aking Haring Araw, aking liwanag sa makulimlim na kahapon na ngayo’y puno ng pagasa…

Sa pagbuhos ng ulan, tangan mo ang aking kamay…
Hawakan nang mahigpit, aking pagsamo. 
Sa bawat pagpatak ng ulan, sa bawat hakbang ng ating mga paa…ang tangi kong hiling ay ikaw…

Sabay nating pagsaluhan ang galak na dulot ng ulan…
tayo’y sumayaw sa indak ng bawat patak…
Ikaw…ako…tayo…

…Sabay

**written in Tagalog for relevance and accurate delivery of emotion and character.
**written over Viber from the hands of two hearts

Content Protection by DMCA.com

Your thoughts...comments?